Monday, August 12, 2013

Stop Bullying


Habang naliligo:

Me: Ineng, magdadala ka ng payong ha at umuulan, isukob mo na rin ang kuya mo

Icay: Eh mimi, pag dinala ko ung red na payong na may tenga niloloko ako ng ibang bata na parang demonyo daw ang payong ko, may sungay daw.

Me: Try to reason with the person, tanong mo kung anong problema niya..

Icay: eh mimi, lalo ako inaasar, kung ano ano ang tinatawag sa kin pag sinasabihan ko na wag na akong lokohin

(ako naman ay naiyamot)

Me: AAAh ganun, ganito ang gawin mo…. Lumapit ka ng dahan dahan, kahit umuulan, isara mo ng ayos ang payong, habang tahimik na kaharap siya, …. Hampasin mo agad ng isang matindi, ung dapat me dugo na lalabas sa ulo niya ha.

IcaY: eh mimi, mali naman yang tinuturo mo sakin eh, ma pi principal ako niyan

(Kahit alam kong mali, ganito na lang ang nasabi ko)

Me: eh wala ng ibang pwedeng gawin kundi ganun na lang ang paraan, sa iigi at may payong ka, hindi ka nila rerespetuhin kung papa apekto ka na lang lagi, pagkahampas mo at dumugo, sabihin mo sakanya eh magkita tayo sa principals office , isama mo ang magulang mo at isasama ko din ang magulang ko dahil hindi mo ako tinitigilan. O kaya naman eh, habang nandun ako eh ituro mo sakin kung nasan ung bata at hahanapin ko agad ang magulang at kakausapin ko kung napaka big deal sayo ng ganyang bagay.

 

Schools should have individual offices for “stop bullying”

So if bullying happens, students wouldn’t be scared to such situations and parents will also be councelled and will be aware of their children’s situation. May it be a private or public school.

They will learn to respect one another.

How to stop your child from bullying:

It begins at home:

Hindi nalalaman minsan ng magulang o ibang kamag anak, na ang simpleng panloloko at pangaasar o “name calling” sa bata, eh BULLYING na ito. Hindi nalalaman ng iba na kahit hindi umiimik ang bata at kahit tumatawa ito, eh apektado na siya, tatatak ito sa mga isipan nila at iisipin nila na ito ay tama, at maaari nila itong gawin sa kapwa kasi ginagawa na ito sa bahay. Ang mga simpleng “tabachoy”, “payatot”, “panget”, “matakaw”, “bobo”, etc… eh bullying na ito.

Kung magbibiruan kayo ng mga kamag anak mo, o mga magulang , o mga kapatid, susundan mo agad ito ng mga salitang “O, nagbibiro lang ako, masama ung gagayahin mo ako ha, wag mo itong gagawin sa iba ha” , O kaya mga simpleng biruan sa kapwa o usapang matanda na may kasamang kaunting biruan na hindi maganda at murahan, at naririnig ito ng bata,  susundan mo agad ng mga salitang “oh, wag mong gagayahin sa iba ang ginagawa namin ha, kahit close kami, hindi pa rin ito tama, kasi baka hindi mo alam, hindi sila umiimik pero asar na asar na pala sayo, o kaya maririnig ng ibang tao na baka itinuturo namin ito sayo”, O kaya naman ay, “kita mo anak ung maitim na tao? Ngipin lang ang maputi, hahahahah” at magtatawanan kayo, pero, susundan mo agad ito ng mga salitang, “O anak, wag mong gagayahin ito o sasabihin sa iba kahit masayang tayo tayo lang ang nagbibiruan, kasi, masama anak ang mag diskriminasyon ka sa iba, dahil lang magka iba ang kulay niyo, rerespetuhin mo pa rin sila dahil tao pa rin sila na katulad natin, isipin mo na lang na kung tayo ang nasa katayuan nila diba at minamaliit sila ng iba, hindi ito tama”.

Mga simpleng bagay na maiisip mo, at walang humpay na paliwanag dahil ang mga isip nila ay wala pang ka mu-ang mu-ang, o “fresh” pa ang brains nila kumbaga, magaling na ung habang bata pa, ay nakatatak na agad sa isipan nila kung ano ang tama at mali, dahil dadalhin nila ito hanggang pagtanda, at dahil dito, makikita mo na ang naipondo mo sa kanilang tama, ay maganda ang magiging mga resulta sa pagtanda nila…

Tanungin din ang bata paminsan minsan, na pag may nakikitang ibang tao o ibang bata na nangaasar o nang bubully sa kapwa, at wala kang magawa kundi tingnan (dahil baka isipin agad ng iba na nangingeelam ka, at wag patulan dahil bata ito) ito ang mga maaari mong sabihin sa anak mo, “anak, mabait ka ba sa ibang bata? Wag mo silang gagayahin ha(bullies), hindi ito tama, tingnan mo ung isang bata, kawawa naman, pano kung ung bata na un ay may dinadalang sakit, o may pinaghihirapan na bagay na hindi na lang niya masabi, o kaya ay gutom na gutom na ito, at iba pa, diba nakaka awa? Tutulungan mo ang sarili mo ha, para irespeto ka din ng ibang tao, hindi porket masmalaki ka o masmalakas ka, eh pwede mo ng gawin ang mang bully,hindi iyon tama”.

Halimbawang nagulat ka at pinatawag ka ng school na ang sarili mong anak ay mismong bully, tanggapin agad sa sarili ng mahinahon, at pag aralan agad ang sarili kung bakit, at mahinahong harapin ang dapat harapin, kausapin ng maayos ang titser o principal o magulang ng batang na agrabiyado, at sasabihin sa kanila ng maayos na, “pasensya na po, hayaan nyo po, mag uusap po kami ng ayos ng anak ko, baka po kasi may problema na siya na hindi ko nalalaman, at pag aaralan ko po hanggang sa maayos ito at maitama, salamat po at naipa alam niyo sa akin agad, habang maaga pa”. Importante: Huwag pagagalitan ang bata pag uwi, Magusap agad ng maayos at firmly, maaaring naghahanap lang siya ng atensyon o amor mo.

And most of all…. Dasal, walang humpay na pagdadasal para sa mga anak o iba pang bata o ibang tao na makakasalamuha, may kapangyarihang natataglay ang dasal sa Diyos kahit hindi natin ito nakikita.

No comments:

Post a Comment

Post a Comment